Martes, Enero 24, 2017

PAKIKIPAGSAPALARAN NG ISANG ESTUDYANTE: MGA GABAY/TIPS SA PAGIGING MABUTING ESTUDYANTE






    Bilang isang mag-aaral nakararanas tayo ng maraming suliranin tulad narito ang paggising ng maaga. Gustuhin man nating maidlip pa at magpakasasa sa napakahimbing na tulog. Hindi ito maaari. Narito pa ang isang suliranin ang paggawa ng mga patong-patong na takdang aralin at sabay-sabay na pagsumite sa takdang oras, ang paghihirap sa pag-iipon, pagiging late at paggawa ng mga takdang aralin o proyekto  at pagrereview sa loob ng napakaikling oras. Sa madaling salita, ito ay tinatawag na 'rush doings'. Naranasan mo na ba ang mga ganito? 
Upang makaiwas sa mga ganitong pangyayari at madaling masolusyunan ang mga suliraning ito.
 Narito ang mga gabay/tips sa pagiging mahusay na estudyante: 

1) Ibalanse ang oras/ Time Management

 

> Upang matapos ng maaga ang patong-patong na takdang-aralin;proyekto, makatulog ng maaga at makaiwas sa pagiging late. Ang time management ang isa sa mabisang paraan upang iwaksi ang mga ito. Karamihan sa estudyante ay nahihirapan na gawin ito.







2) Iwasan ang MaƱana Habit

STUDENT SAYINGS


> PROCRASTINATE NOW, PANIC LATER. Upang maiwasan ang 'rush doings'(paggawa ng tasks isang araw bago ang deadline.)Ayon sa George Town University, ang ating kaisipan ay hindi epektibo kapag finoforce o pinipilit. Isang halimbawa nito ang paggawa ng rush na trabaho, naniniwala ang mga psychologist na kapag ang ating isipan ay hindi focus, mawawalan ito ng kakayahan na maging epektibo. Ang rush doings ay hindi makakatulong upang makapagfocus sapagkat iniisip ng tao ang oras ng deadline at hindi nakakapagconcentrate sa proyekto. Kaya naman, kadalasan ang resulta nito ay hindi maganda o hindi kanais-nais.

3)  Gastusin ang baon sa mabisang paraan.



> "Kung may itinanim, may aanihin." Marapat na matutunan ng isang estudyante ang tamang paggamit ng pera. Ang pera ay dapat gastusin sa pangangailangan. Ang pagkakaroon ng mahusay at matalinong pag-iisip ay magbibigay ng tamang desisyon sa ating buhay. Ang katagang "kung may itinanim, may aanihin" ay nangangahulugan na mag-ipon upang sa kagipitan (emergency) ay may ilalaan at may magagastos.